Baka kasi Panaginip Lang Talaga ang Lahat



May mga araw na minsan iniisip ko kung totoo bang nangyari ang lahat nang 'yon.

Ang mga tawang itinawa. Ang mga kuwento. Ang sabay na pagtingala sa langit na puno ng mga bituin. Ang mga kantang inawit. Ang lamig ng hangin. Ang mga lugar na pinuntahan. Ang mga emosyong naramdaman.


Kung gaano kabilis dumating, ganoon din kabilis nawala.


Mabilis, pero dahan-dahan. Parang natutunaw na yelo o nauupos na kandila.


Hindi ko matanggal sa isipan ko ang mga alaalang inukit niya.


Ilang buwan na ang nakalipas ngunit ramdam pa rin sa puso ang sakit na parang kahapon lang ito nangyari.


Hindi madaling kalimutan ang lahat. Hindi madaling ibalik ang tiwala. Hindi madaling magpatawad.


Pero kung may karapat dapat ipaglaban sa mundong ito, 'yun ay pag-ibig.


Kaya parati itong pipiliin.


Alam kong sa pagdaan ng panahon, kasabay ng paulit-ulit na 'pagsuko nito sa Kanya na kontrolado ang mga bagay na hindi ko kontrolado, makakaraos din tayo.


Gagaling din 'tong mga sugat.


Umiiyak pa rin paminsan-minsan.


Nagtatanong.


Iniisip kung masasagot pa ba ang mga tanong.


Pero parte siguro talaga ito ng pag-usad.


Alam kong mabubuong muli ang pusong nawasak.


​Hindi tayo habambuhay mananatili sa rehas na 'to.


At 'pag ako nakalabas dito, hindi na ako muli pang babalik.


Comments

Popular posts from this blog

Sus. Walang Forever?

The Lost Camper

Fast Forward to July 28, 2030