Sus. Walang Forever?

Circa 2015. Sa rooftop ng bahay nila Denielle.

Saglit ah, I’m gathering my thoughts.

Paano ko ba ‘to i-eexplain?

Ah, alam ko na.


Naubos ‘yong tinta ng bolpen po. WALANG FOREVER

Naubusan ka ng bala ng stapler sa photocopying shop. WALANG FOREVER

Hindi mo naabutan ‘yong last trip ng LRT. WALANG FOREVER

Naabutan ka ng ulan, wala kang payong. WALANG FOREVER


Lahat ng kapangitan ng buhay kinakabitan mo ng salitang Walang Forever.


Kasi uso.


Paano kaya kung naging tao ang “Forever”? Malamang ang taas ng suicidal tendency ‘non, maraming tumutuligsa sa kanya eh. Sinisisi siya sa mga bagay-bagay na hindi niya naman kasalanan. Sikat nga , ‘di naman pinaniniwalaan.


Bilang isang taong naniniwala sa walang hanggan, nakakalungkot isipin na ‘yong isang bagay na alam mong totoo eh isinusuka mismo ng lipunang kinabibilangan mo. Gusto ko lang sabihin na walang inferiority complex ang Forever. Hindi rin ‘yan naiintimidate sa lakas ng sigaw mo laban sa kanya. Minsan kasi nagmamagaling tayo, hindi niya tuloy nagagawa ‘yong gusto niyang gawin para sa love story mo.


Eh saan mo ba kasi hinahanap ang “forever” mo? Baka sa maling panahon, lugar, oras at tao mo hinahanap kaya ‘di mo makita. Para ka tuloy naghahanap ng katagpo mo sa ground floor ng SM Megamall ayon pala nasa third floor siya. Walang kuwenta ang pag-eeffort mo sa paglalakad. Napapagod ka, sumasakit ‘yong paa mo wala naman palang halaga ‘yong paghahanap mo. Hindi worth it.


Mahirap mag-read between the lines kaya subukan natin lagyan ng mga mukha ang mga bagay na ‘to na nagiging dahilan kung bakit tayo nasastuck up sa ground floor.


ANG INIWAN


Nag-invest ka ng emosyon eh. Kaya maraming napapagod “daw” magmahal dahil nagsasawa na ‘yong puso nila na magbigay ng pag-ibig na hindi naman nila nararamdaman pabalik. Sa totoo lang naniniwala ako sa kasabihang isang beses ka lang magmamahal ng wagas sa buong buhay mo. ‘Yong iba hindi ko na alam ‘yong tawag. Kung tatanungin mo ko ngayon mas gugustuhin ko nang masakatan para sa taong hinihintay at papakasalan ko kaysa sa taong parang langaw na come and go. At least doon sa una alam kong pagdating sa dulo hindi ako maiiwan ng mag-isa. Minsan kasi kakamadali nating makahanap ng forever, ‘yong ka-forever ng iba ‘yong nakukuha natin. Hindi talaga magtatagal yan, hindi kayo para sa isa’t-isa eh.


ANG UMAASA AT NAGPAPAASA


Ito ‘yong sinasabing makuha ka sa tingin. ‘Yong maaabutan mo lang na nakatingin siya sayo meron na kaagad sparks. You just know it, sabi mo. Ahem. Opo. Totoo namang action speaks louder than words pero kung puro actions nalang at walang verbal confirmation aba never ending hulaan ito. Hmm, allow me to present to you a formula:


words – actions = DISAPPOINTING


Ikaw ba naman pangakuan ng isang bagay tas sobra mong pinaniwalaan at in the end wala naman pala, madudurog ka talaga.


Promises are made to be broken sabi nga nila pero you know what, we really have a choice. ‘Pag sinabi kasi na promises are made to be broken parang nakakatakot, parang ayaw mo nang may mangangako sayo dahil pakiramdam mo di naman nila tutuparin. But honestly, making a promise is a beautiful thing. ‘Yong pakiramdam na oo sa ngayon magulo pero hindi ka bibitaw dahil alam mong sa dulo magiging okay din ang lahat. Bakit? Dahil may nangako sayo o may pinanghahawakan kang pangako.


The purpose of promises is to give hope. Pero kung ano ang kinaganda nito kapag tinupad, ganun din ang kinasaklap ng epekto nito kapag hindi. It can even turn the kindest person into a monster.


In other words, siguraduhin mong mapapanindigan mo ‘yong mga panagako mo. Dahil sa bawat salitang binibitawan mo may mga taong naniniwala at umaasa sayo.


actions – words = LACK OF COMMITMENT


Kapag puro ka naman actions at walang words (sa aspetong kiligan at pag-ibig), ito na ‘yong sinasabi kong never ending hulaan, parang larong charades.Ito ang madalas mangyari. Ito ang para sa mga umaasa at mabilis mag-assume.


Hindi ibig saihin na “nice” siya sayo eh may “something” na. Well, maaring meron nga, ‘yon nga lang, may pruweba ka ba?


Napakahalaga ng confirmation friends.


Hindi puwedeng hahayaan mo nalang ‘yong sarili mo na mahulog basta basta ng wala namang sasalo sayo. Mahirap maaksidente, baka mahirapan kang makarecover.


Kapag wala kasing words to back up your actions madaling bumitaw, at ‘pag ikaw binitawan and you know in yourself that you invested “something” on your so called “unlabeled” relationship, mas masakit ‘yon. Para kang dinala sa kainan na akala mo ililibre ka dahil inaya at pinilit ka nila, ‘yon pala sa huli KKB pala, ang masaklap, wala kang pera. Akala mo kasi…


Ang emosyon kapag na-stir ay hindi katulad ng dislocated bone na ‘pag hinila o hinilot mo lang sa kung saan babalik na sa dati. Mahirap ayusin ang pusong nagulo.Mahirap. Kaya ‘wag kang magpapakita ng motibo o magbibitaw ng salita na ‘di mo naman kayang panindigan. Imbes na dirediretso sila sa ka-forever nila, ikaw ‘yong nagiging dahilan para maligaw sila.


Pero kung iisipin mo, magpacute man ng mag-pacute, maglambing man ng maglambing, magpaasa man ng magpaasa ang mga nagpapaasa, hindi naman makukumpleto ang “lokohan formula” kung hindi mo hahayaan at kung hindi ka maniniwala agad.


Hindi ka nagpapakabebe, hindi ka nagpapakachoosy, nagmamaganda, o nagfifeeling pogi, nag-iingat ka lang.


3.IN-DENIAL


Hindi ko kasi alam kung ano itatawag ko eh basta ito ‘yong mga taong hindi patitinag sa paninindigan nilang “walang forever” pero sa kaibuturan ng puso nila hinahangad din nila na balang araw sana may mag-mahal din sa kanila habang buhay. Isa lang masasabi ko sayo kung isa ka dito, merong magmamahal sayo ng ganon.


Meron.


Hindi nakasalalay sa sakit na naramdaman mo noon ang kakayahan mong muling maniwala sa kapangyarihan ng pag-ibig. Hindi ang mga nanankit sayo noon ang tumatayong depenisyon nito.May sarili kang istorya, napakaganda ‘non kaya ‘wag mong ihihinto ng dahil lang sa isang taong umalis.


Kaya dude, just listen to that still small voice inside that tells you to just wait. Ang paghihintay hindi lang dapat isinasaisip, dapat isinasapuso din. Magtatagpo din kayo ng ka-forever mo, puso lang.


Maaaring para sa iba walang epek ang artikulong ito pero para doon sa napaisip, kung meron man, inaanyayahan kitang mag-isip pa lalo. Umaasa akong sa paghahanap mo ng sagot, tanong, at rason diyan sa isip mo, maintindihan mo ang gusto kong ipunto.


Mukha bang pinipilit kong may “Forever”? Pasensya na, naiinis din ako sa sarili ko. Hindi ko naman kasi dapat ipilit ang isang bagay na sa simula pa lang nandiyan na. Masyado lang kasi tayong nabubulag ng mga bagay-bagay kaya hindi natin makita.


Pauli-ulit nating naririnig na “maghintay ka dadating din si Mr. Right…si Future Guy…si God’s Best…maghintay ka lang.” , minsan nakakasawa na, nagiging cliché, nagiging bukang bibig ng mga single at hopeless romantic. Pero totoo naman eh.Dadating din ‘yong tamang tao. Nagkakatalo nalang doon sa mga sincere sa paghihintay at saka doon sa hindi.


If you chose to wait, then guard your heart. ‘Yong puso ang nasa loob natin, hindi tayo ang nasa loob ng puso (medyo gross ‘yon), therefore we have the authority over our hearts. Oo mahirap kontrolin ang nilalaman ng puso natin, in fact it is really, really, really, really hard, BUT it is not impossible. May mga panahon na kailangan nating hayaan na dumaloy ang emosyon natin, may mga panahon na kailangan nating ilugar. We need only the eyes to see when either of the two is applicable.


Ngayon kung natatakot kang maghintay dahil baka ‘pag naghintay ka ng naghintay eh hindi siya dumating o ang mas masaklap naghihintay din pala siya sayo kaya hindi kayo magtagpo, nako malaking problema nga ‘yan. But I am too consumed about the fact that we are not the writers of our own love stories. Naniniwala akong sa mundong ito may isang napakalakas na kapangyarihan na nagtatagpo sa dalawang taong nakatakda para sa isa’t-isa… ang Diyos. Kapag kayo itinakda ng Panginoon para sa isa’t-isa, wala sa buong mundo ang maaring makapigil nito. Wala. Kahit pa kayo mismo.


Mas nakakakilig ‘di ba?


Ang forever nag-eexist.Hindi niya pinipilit ang sarili niya. TAYO ang may pinipilit. Pinipilit nating walang forever pero kung tutuusin tayo naman yung may kasalanan kung bakit natin nararamdaman na parang wala.


Mamamatay tayo at paglipas ng panahon maglalaho ang mga bagay-bagay.


Walang forever?


Hindi, meron pa rin. Hindi lang naman kasi ‘yon hanggang sa mundo lang na ‘to. Here we are bound with numbers, measurements, and time, pero maliban sa third, fourth, o kahit gaano pang kadaming floors meron ang mundo, may isa pang palapag na hihigit sa lahat. Dito mo matatagpuan ang tunay na forever.


FOREVER NA HIHIGIT PA SA PINAKAMAGANDANG ISTORYA NG PAG-IBIG NA NARINIG O MARIRINIG MO. Pero nasasayo ‘yon kung aakyat ka o hindi.


Try mo din kasing tumingin sa taas.


Naniniwala akong may Forever, nagkatuluyan man sina Xander at Agnes o hindi. May forever hindi dahil sa prinopromote ito ng favourite nating movie o teleserye. May forever hindi dahil kaya nating magmahal o magkunwaring nagmamahalan. May forever dahil may Panginoon na bumubuhay at gumagalaw sa likod nito.


Ikaw,anong klaseng “Forever” ba ang pinaglalaban mo?


Comments

Popular posts from this blog

The Lost Camper

Fast Forward to July 28, 2030