Posts

Showing posts from April, 2016

Sus. Walang Forever?

Image
Saglit ah, I’m gathering my thoughts. Paano ko ba ‘to i-eexplain? Ah, alam ko na. Naubos ‘yong tinta ng bolpen po. WALANG FOREVER Naubusan ka ng bala ng stapler sa photocopying shop. WALANG FOREVER Hindi mo naabutan ‘yong last trip ng LRT. WALANG FOREVER Naabutan ka ng ulan, wala kang payong. WALANG FOREVER Lahat ng kapangitan ng buhay kinakabitan mo ng salitang Walang Forever. Kasi uso. Paano kaya kung naging tao ang “Forever”? Malamang ang taas ng suicidal tendency ‘non, maraming tumutuligsa sa kanya eh. Sinisisi siya sa mga bagay-bagay na hindi niya naman kasalanan. Sikat nga , ‘di naman pinaniniwalaan. Bilang isang taong naniniwala sa walang hanggan, nakakalungkot isipin na ‘yong isang bagay na alam mong totoo eh isinusuka mismo ng lipunang kinabibilangan mo. Gusto ko lang sabihin na walang inferiority complex ang Forever. Hindi rin ‘yan naiintimidate sa lakas ng sigaw mo laban sa kanya. Minsan kasi nagmamagaling tayo, hindi niya tuloy nagagawa ‘yong gusto niyang gawin para sa love...